Showing posts with label Filipino. Show all posts
Showing posts with label Filipino. Show all posts

Sunday, January 27, 2008

Toni Gonzaga & Sam Milby - Sikat Ang Pinoy



Lagi nang napapansin
Pinoy ay may ibang dating
Kahit na anong gawin
Ay kayang kaya natin

Lumalaban sa hamon ng buhay
Hanggat kaya’y ibibigay
Kitang kita ang galing
Lahat ay kaya ngang gawin

[Chorus]
Sikat na sikat ang pinoy
(Sikat ang pinoy!) Kahit saan mapunta
Kitang kita mo naman
ang kagalingan (kagalingan mo)

Iba ang galing ng pinoy
(Galing ng pinoy!)
Malayong mararating
Ipagmalaki mo
Na kaya natin

Sikat ang pinoy
Kahit sa’n mapunta
Sasabihin ko
Pinoy Ako (Pinoy Ako)
Pinoy Tayo! Kaya natin ‘to!
Sikat ang Pinoy! (Pinoy Ako!)
Sikat ang Pinoy! (Sikat ang Pinoy!)

Pinoy’y ating maaasahan
Kailan ma’y di ka iiwan
Handang tumulong sa iyo
Ano man ang pagdaanan mo

Lumalaban sa hamon ng buhay
Hanggang sa ating tagumpay
Mahirap man pagdaanan
Kayang kaya natin ‘yan!

[repeat chorus except last line]

[refrain]
Sumigaw at sabihin mong “Pinoy Ako”
Ang galing mong angkin
Ipakita sa mundo (Ipakita sa mundo)

(repeat chorus except last line 2x)

Sikat ang Pinoy! (Sikat ang Pinoy!) (5x)


Sikat Ang Pinoy Lyrics - Toni Gonzaga & Sam Milby

Aicelle Santos - Ikaw Pa Rin



Di ko alam bakit nagkaganito
Matapos ibigay ko ang lahat sa'yo
Di ko malimot ang sakit na nadama

Ngunit kahit anong pilit na limutin
Bakit tila di kayang gawin

[Chorus 1]
Ikaw pa rin ang hinahanap ng puso
Ikaw pa rin ang siyang laman ng isip ko
Ayoko na sana
Ngunit ang sigaw ng damdami'y iba
Ikaw Pa Rin

Pag-ibig ko'y inalay ng buong-buo
Tagning sa'yo lamang umikot ang mundo
Sabi ko sa sarili'y di na kailan man

Ngunit kahit anong pilit na limutin
Bakit tila di kayang gawin

[Chorus 2]
Ikaw pa rin ang hinahanap ng puso
Ikaw pa rin ang siyang laman ng isip ko
Ayoko na sana
Ngunit ang sigaw ng damdami'y iba, ahh...

[Repeat Chorus 1]

Ikaw Pa Rin... ooh...

[Repeat Chorus 2]

Ikaw pa rin ang hinahanap ng puso
Ikaw pa rin ang siyang laman ng isip ko
Ayoko na sana
Ngunit ang sigaw ng damdami'y iba
Ikaw Pa Rin
Ikaw Pa Rin... oooh...

Ikaw Pa Rin Lyrics - Aicelle Santos

Orange and Lemons - Pinoy Ako



Lahat tayo mayroon pagkakaiba sa tingin pa lang ay makikita na
Iba’t ibang kagustuhan ngunit iisang patutunguhan
Gabay at pagmamahal ang hanap mo
Magbibigay ng halaga sa iyo
Nais mong ipakilala kung sino ka man talaga

[Chorus]

Pinoy ikaw ay pinoy
Ipakita sa mundo
Kung ano ang kaya mo
Ibang-iba ang pinoy
Wag kang matatakot
Ipagmalaki mo pinoy ako
Pinoy tayo

Pakita mo ang tunay at kung sino ka
Mayro’n mang masama at maganda
Wala naman perpekto
Basta magpakatotoo oohh… oohh…
Gabay at pagmamahal ang hanap mo
Magbibigay ng halaga sa iyo
Nais mong ipakilala kung sino ka man talaga

[chorus]

Talagang ganyan ang buhay
Dapat ka nang masanay
Wala rin mangyayari
Kung laging nakikibagay
Ipakilala ang iyong sarili
Ano man sa iyo ay mangyayari
Ang lagi mong iisipin
Kayang kayang gawin

[chorus]

Pinoy Ako Song Lyrics - Orange and Lemons